Tila lumalabas na ang tunay na kulay ni Manny Villar. Kamakailan lang ay naglabas siya ng kanyang pahayag patungkol sa kung sino ang pipiliin niya na makasama sa pangangampanya sa pagkabise-presidente. Sabi niya, "It's too early to say because anything can happen in two months. Somebody might die and a kin might suddenly decide he or she was fit to run." Halata naman kung sino at kung ano ang tinutukoy niya sa kanyang mga binitiwang mga salita. Tayo man ay hindi mayaman, marunong naman tayo mag-isip at mag-unawa ng mga bagay-bagay. Dagdag pa niya, "Who are they to say who is good and who is evil? They are trying to mislead us because this has always been a fight between the poor and the rich." Mga elitista kung kanyang tawagin ang mga nasa likod sa pagtakbo ni Noynoy Aquino. Sa lahat ng ito, ang masasabi ko lang ay mas mapait pa siya sa ampalaya. Bitter, kung baga. Bakit? Dalawang bagay.
Una, natatanaw na ng kampo ni Villar na isang mabigat na kalaban si Noynoy sa darating na halalan, kaya habang maaga pa lang ay sinisimulan na nito ang mga banat kontra kay Noynoy. Pero bakit ganun na lang ang pagka-atat ni Villar na siraan si Noynoy kung matagal pa naman ang eleksyon? Siya na rin mismo ang nagsabi na hindi pa natin sigurado kung tatagal ang kinang na nakakapit ngayon sa pangalan ni Noynoy. Isa lang ang nakikita kong dahilan sa kasalukuyang hakbang ni Villar, at 'yun ay dahil isa rin siya sa mga "trapo". Marahil ganyan ang kanyang nakasanayang pamamaraan nung siya'y nagsisimula pa lamang pumasok sa mundo ng pulitika. Hindi na nakapagtataka kung hanggang ngayon ay tangan niya pa rin ang bulok na pamamaraan, ang pamamaraan ng paghatak sa kung sino man ang nasa tugatog, katulad ng isang talangkang ayaw magpahuli at magpatalo sa pag-akyat palabas ng sisidlan. Ika nga nila, kahit saan ka man makarating, babalik at babalik ka pa rin sa iyong mga dating gawi. Katulad ba talaga ni Villar ang gusto nating ihalal na pangulo? Oo, anak siya ng isang tindero ng hipon, pero hindi naman natin minamaliit ang kanyang kakayahan sa kadahilanang nabanggit. At ngayon ay siya ang magdidikta na ang labanan sa eleksyon ay hindi sa pagitan ng kasamaan at kabutihan bagkus sa pagitan ng mahihirap at mga mayayaman.
Lumang tugtugin na rin 'yan ginoong Villar, kagaya ng ibinabato mong kritisismo tungkol kay Noynoy. Ang masasabi ko lang, naiinggit ka sapagka't naitsapwera ka bigla ng nag-alab ang kagustuhan ng taumbayan, mayaman at mahirap, na suportahan si Noynoy.
Pangalawa, nagtatapon na ng kung anu-anong mga akusasyon si Villar sapagka't kailangan niya gumawa ng ingay para mapag-usapan muli siya. Kinukulang na siya sa atensyon. Ayaw niyang maiwan siya o maisantabi na lang ng basta-basta. Mukhang hindi na tumatalab ang kanyang "akala mo" na patalastas. Akala niya siguro sapat na 'yun para makasigurado siya. Kung ang pwesto man niya sa mga survey ay mahahatak pababa, mas mamabutihin na rin niyang hatakin na rin kasama si Noynoy sa kanyang pagbulusok. Siguro nga talaga ay sadyang malungkot sa dulo ng listahan kaya naghahanap ng kasama ito si Villar. Natawa na lamang ako sa kanyang mga binitiwang mga salita. Halata naman ang kanyang pakay. Kung sino man ang nagsulsol sa kanya na gumawa ng ganoong hakbang ay dapat lamang na sipain sa kanyang tungkulin sapagka't mas mapapasama lamang si Villar sa halip na mapapabuti. O kung si Villar na mismo ang nag-isip na sabihin ang ganoong mga paratang, hindi na ako magtataka kung mas lalo siyang kakamuhian ng mga tao.
Nais ni Villar na palabasing ang labanan ngayon sa eleksyon ay sa pagitan ng mayayaman at mahihirap at hindi ng kasamaan laban sa kabutihan. Kanyang ipinahiwatig na mga elitista ang siyang nag-uudyok ng kaisipang kasamaan kontra kabutihan. Abay kung ganoon nga, lahat na yata ng tao sa bansang ito ay mga elitista. Wala nang masa. Kita naman natin sa mga kasalukuyang kaganapan na hango sa iba't-ibang sulok ng buhay ang sumusuporta kay Noynoy. Mula Luzon hanggang Mindanao, mga ordinaryong mamayan at hindi ganun ka-"ordinaryo" ang kusang nag-aabot ng kanilang pagtulong sa pangangampanya ni Noynoy. Bago pa nga nagdeklara si Noynoy ng kanyang intensyong tumakbo ay inuudyukan na siya ng taumbayan na isalang ang sarili sa nalalapit na halalan. At ngayon nga na pormal na na nagdeklara si Noynoy, mas lalo pang dumarami ang nais mapabilang sa hanay ng mga sumusuporta sa kanya. Ngayon, ginoong Villar, sabihin mo sa amin ng harapan at walang bahid ng kasinungalingan kung pano kaming lahat naging mga elitista, kaming naghahangad na mapunuan ng isang tulad ni Noynoy ang kawalan ng kabutihan sa Palasyo.
Hangga't sa maaari ay ayaw ko sanang yurakan ang pangalan ni ginoong Villar. Baka sabihin pa niya ay minamaliit natin ang kanyang kakayahan dahil siya'y anak ng isang tindero ng hipon sa talipapa. Ito'y kanyang paulit-ulit na ginagamit bilang depensa sa sarili, o huling alas kapag natutuligsa siya. Baka makahanap pa siya ng paraan para lalong ipangalandakan na galing siya sa kahirapan tulad ng nakararami sa atin kapag pinag-usapan pa natin ng lubusan ang kanyang pinanggalingan. Pero tila siya na mismo ang naghahalungkat ng sarili niyang dumi. Hindi ko mawari kung sadyang nais niyang ibalandra sa ating lahat ang kanyang pinagmulan. Pero malamang ay ganun na nga talaga. Ginagawa niyang puhunan ang kanyang kahirapan nung kanyang kabataan para mahatak ang simpatya nating lahat. Nais niya tayong maawa. Isang tao ang naaalala ko sa ganyang istilo. Naaalala ko ang isang dating pangulo na para daw sa masa, na para sa mga mahihirap, na sa huli ay binunot ng mga tao sa kanyang pagkakaupo sa pwesto dahil sa sobra-sobrang pasakit na inilatag niya sa ating bayan.
Pareho kayong mga trapo. Huwag mong ipagmalaki at ipagpilitan na elitista ang sumusuporta kay Noynoy dahil iyan ay bulok na istilong nababalot ng kasakiman. Hindi ka pa nga naihahalal ay ipinapakita mo na ang iyong tunay na ugali. Ano pa kaya kapag ika'y nasa itaas na? Baka nakakalimutan mo na ikaw ngayon ay isang bilyonaryo na. Kung pera ang batayan sa pagiging elitista gaya na rin ng iyong mga parinig, ano ka ngayon? Kung ang labanan nga sa paparating na halalan ay mayaman laban sa mahirap, hindi mo man lang ba naisip na bilyonaryo ka? Ni hindi man lang ba sumagi sa iyong isipan na hindi ka na mahirap ngayon?
Negosyante ka, ginoong Villar. Hindi hamak na mas mayaman ka sampu ng aming mga kasama sa hanay ng mga masang maka-Aquino. Alam mo kung pano magpatakbo ng negosyo. At tulad ng isang negosyo, alam na alam mo kung paano patakbuhin ang iyong kampanya. Hindi ka naiiba sa mga elitistang iyong binabatikos.
Gusto mong pag-usapan ka ng mga kapwa mo Pilipino? Gawin mo na lang sana sa isang malinis na paraan. Huwag ka nang umasang maisasalin sa'yo ang pagnanais ng mga Pilipino na magkaroon ng isang disenteng kandidato kung ikaw na mismo ang gumagawa ng hakbang na pumangit ang iyong imahe. Batid namin na masyado nang malaki ang iyong nagastos sa pangangampanya, at malamang ay natatakot ka na mauwi sa wala ang lahat ng iyong mga pinaggastusan kung matatalo ka rin lang naman sa halalan. Batid namin iyon, at iyon ay isang katangian ng isang "trapo" sa pangangampanya, "trapo" na umaasa sa pera at paninira ng iba para manalo, "trapo" na hindi kayang umasa lamang sa busilak na suporta ng taumbayan.
Sipag at tiyaga? Ang tanging sipag na nakikita ko ay ang sipag sa paggawa ng ikasisira ng iba. Ang tanging tiyaga na nakikita ko ay ang tiyaga sa paggawa ng ikasisira ng iba. At hindi ko kailangan ng pinapamigay mong cellphone sa iyong website para lamang paliguan ka ng papuri.
Magkaibang-magkaiba nga kayo ni Noynoy. Kabutihan at kasamaan nga talaga ang labanan sa halalang paparating.

|